THE WEDDING CEREMONY OF


Listen to our wedding song
WELCOME TO OUR WEDDING WEBSITE
We can’t wait to celebrate our special day with you. Feel free to have fun to take a look around. Thank you for the love and support. We are so excited to share this day with you!
As much as we love to invite everyone, we are only inviting you. We have chosen the people close to our hearts. We would not want anyone to lose a seat and want everyone to be able to enjoy a sumptuous meal.
Please use our hashtag to help us document our special day!
#KERVInLoveWithIRENEsince2018

Matched Hearts
HIS POV
Bago ang lahat, gusto ko munang magpasalamat sa Diyos sa opportunity na makasal sa’yo.
Unang pagkikita namin way back 2018, noong nagtatrabaho pa ako bilang sales sa Chevrolet Imus. Actually, client siya noon ng kasamahan ko. Unang nakita ko yung husky nila na aso at nilaro-laro ko habang hinihintay siya. Wala pa siya nun. Unang kita ko sa kanya, narelease na yung sasakyan nila, pero hindi pa kami nagkakausap. Pinapirma namin siya ng kontrata ng sasakyan sa trabaho niya sa Red Cross Dasma, tapos hinatid na rin namin siya ng kasama ko pauwi sa bahay nila sa Sta. Rosa dahil gabi na.
Syempre, puntos na rin yun para pag in-add ko siya sa Facebook, maalala niya, “Uy, ito yung naghatid sa akin pauwi ng Laguna!” Nakakatawa kasi habang papunta kami, pag-exit namin sa Carmona, tinanong ko siya kung kaliwa (papuntang Sta. Rosa) o kanan (papuntang Manila). Sabi niya “kanan.” So, kumanan ako kahit parang papunta na ng Manila! Pag-exit namin, sabi niya, “Ay, mali, papunta pala ng Manila ito.” Sabi ko, “Sige, mag-U-turn tayo.” Dun ko nalaman na hindi pala niya alam ang kaliwa at kanan—ang alam lang niya ay left and right! Natawa ako sa isip ko, “Ganda ng babaeng ito pero shunga-shunga!” (Joke lang!)
Pagkahatid namin sa kanya, hinanap ko agad siya sa Facebook at in-add ko. In-accept naman niya, at doon na nagsimula. Getting to know each other, hanggang sa pinupuntahan ko na siya sa work niya, hanggang sa nagkadevelopan kami. Naging close din kami ng kapatid niya na si Aldriz, na taga-hatid at sundo sa kanya noon.
At ayun, naging kami. Six years na kami ngayon at nandito na tayo, ikakasal na tayo! Special pa lalo kasi nung sinagot mo ako, dun din ipinanganak si Fattie, ang furbaby natin, noong October 29, 2018.
Ito na talaga, this is it!
HER POV
First time ko siyang makilala noong bibili ako ng kotse. Gusto ko talaga ng Mirage at ready na akong magbayad. Pero for some reason, si Mommy at Daddy pinilit ako na magpunta sa Chevrolet kasi maganda daw at may zero downpayment pa. Kaya ako naman, go lang sa gusto nila.
May agent na talaga ako noon, si Ms. Marvick. Every time na magkikita kami para sa mga pirmahan at iba pang proseso, kasama niya lagi si Kervin na laging aliw sa aso ko. Akala ko nga jowa niya si Ms. Marvick kasi lagi silang magkasama. One time, may pinapirmahan si Ms. Marvick sa akin na mga papers, at kasama niya si Kervin bilang driver. Ang tagal naming nagkwentuhan at pumirma ni Ms. Marvick kaya inabot na kami ng gabi, at wala na akong masasakyan pauwi sa Laguna Bel-Air sa Sta. Rosa.
Kaya ang ending, ihahatid na lang nila ako pauwi. Habang nasa SLEX kami, tinanong ni Kervin kung kaliwa o kanan yung papasukan na tollgate. Hindi ko alam yung kaliwa’t kanan sa Tagalog, kaya sabi ko na lang “kanan.” Eh, mali pala, papuntang Manila yun imbis na Laguna! Naging biglaang road trip tuloy kami. Natawa pa siya ng malakas, kaya medyo na-off ako sa kanya.
Pagka-drop off nila sa akin, nag-thank you ako kay Ms. Marvick, pero hindi kay Kervin. Pero simula noon, in-add na niya ako sa Facebook at tuloy-tuloy na ang chat niya sa akin. Hanggang gabi-gabi na niya akong pinupuntahan sa work, at pati kapatid ko, naging kaibigan na rin niya.
Naalala ko pa, I Prayed to God na bigyan lang ako ng boyfriend kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral at natulungan ko na ang mga magulang ko. Kapag naging stable na lahat at nagbunga na ang lahat ng pagsusumikap ko, doon ko gusto makilala ang taong para sa akin.
In an unexpected turn of events, dumating si Kervin sa tamang panahon at pagkakataon. Siya ang naging unang boyfriend ko, at soon, magiging asawa ko na.


The Dress Code
Modern Filipiniana

You may glam up in these shades but your smile is the best you can wear.

The Venue

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

Prenup Photos
RSVP
We are excited to celebrate our Wedding with our closest families and friends!
The favor of a response is requested before
December 22, 2024. Thank you!