Kayo ay Malugod na Inaanyayahan sa Kasal nina
Lester and Sarah

Pakinggan ang Aming Wedding Song
Maligayang Pagdating sa Opisyal na Website ng Aming Kasal
Malugod namin kayong inaanyayahan na makibahagi sa isang araw na isinulat ng tadhana at pinagtibay ng pagmamahal. Ang aming kasal ay hindi lamang pag-iisang-dibdib ng dalawang puso, kundi paglalakbay ng dalawang kaluluwang piniling magmahal, mangarap, at magsama habang buhay.
Sa website na ito, matatagpuan ninyo ang mga detalye tungkol sa aming espesyal na araw: ang mga lugar na magiging saksi sa aming mga pangako, ang mga sandalıng aming paghahatian, at ang mga alaalang sabay nating lilikhain. Inaanyayahan namin kayong tuklasin ang aming kwento, mag-RSVP, at masilayan ang paglalakbay ng pagmamahalang nagdala sa amin sa sandaling ito.
Hindi na namin mahintay na makasama kayo sa pagdiriwang ng isang pag-ibig na pinili araw-araw, sa hirap at ginhawa, at sa habang-buhay. Ang inyong presensya ay magiging bahagi ng aming kwento - isang alaala na aming iingatan magpakailanaman.
Pakigamit po ang aming opisyal na hashtags sa pagbabahagi ng mga sandaling ito:
#LesterAndSarahTieTheKnot
Hanggang sa araw na pag-isahin ang aming pangarap at pangako.
Lester 💚 Sarah
"Where you go, I will go... your people shall be my people, and your God my God. Where you die, I will die...
May the Lord do thus and so to me, and more as well, if even death parts me from you”.
Ruth 1:16-17
Kwento ng Aming Pag-ibig
Ang Unang Nota ng Tadhana: Kwento ng Aming Pag-ibig
Si Sarah, kasama ang kanyang mga kapatid sa musika at kapwa sundalo, ay naging viral dahil sa kanilang mga video online na umani ng maraming viewers at followers.
Sa bawat pagtapak nila sa entablado, hindi lamang basta nakikinig ang madla sila ay naaantig at nabibighani sa husay ng mga sundalong nagpe-perform.
At sa libo libong,humahanga, nandoon si Lester. Tahimik na nanonood, tahimik na humahanga, at tahimik na naghihintay.
Ngunit sa likod ng mga ilaw at palakpak, may isang pusong may dinadalang sakit.
Ang boses ni Sarah ay puno ng damdamin, pero ang kanyang puso ay nakakapit pa sa isang pag-ibig mula sa nakaraan.
Hindi pa siya handang magbukas muli, kahit na ang pangalan ni Lester ay paminsan-minsan nang lumilitaw sa kanyang Messenger madalas ay hindi napapansin at natatabunan ng ingay ng mundo.
Pero may isang bagay na hindi nagbago kay Lester ang kanyang pananampalataya.
Habang si Sarah ay patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa entablado kasama ng 602 LIBERATOR BAND si Lester naman ay tahimik na nagdarasal para sa kanya. Habang ang puso ni Sarah ay nasasaktan, pinili ni Lester na umasa.
At habang hindi pa handa ang babaeng kanyang hinahangaan, naghintay siya nang may pasensya, paninindigan, at dangal. Hindi siya nagpumilit; sa halip, ipinagkatiwala niya ang lahat sa perpektong timing ng Diyos.
Tuwing nagbabahagi si Sarah ng kanyang mga pinagdaraanan sa mga notes, stories nandoon si Lester hindi para humingi ng atensyon, kundi para magpadala ng mga Bible verses na nagbibigay ng pag-asa at kapayapaan.
Sa likod ng bawat unread message ay isang dasal na hindi tumitigil.
Dumating ang Bagong Taon, 2026.
Habang ang mundo ay nagsisimula ng panibagong kabanata, si Sarah ay unti-unti na ring natututong maghilom.
At sa pinakasimpleng paraan sa pag post ni Lester ng prutas na durian kumilos ang tadhana.
Nag respond si Sarah sa post, humingi at nagtanong ng location nya para kunin ang nasabing prutas, ngunit nag insist si Lester na siya na mismo ang mag-deliver nito sa kanilang tahanan.
At nang dumating siya, hindi lang prutas ang kanyang dala.
Dala niya ang bunga ng kanyang mahabang paghihintay at ang lalim ng kanyang pananalig. Pumunta siya hindi bilang isang tagahanga lang, kundi bilang isang lalaking handang humarap sa pamilya ni Sarah at humingi ng basbas sa pinaka-tradisyunal at tapat na paraan.
Doon na-realize ni Sarah na ang pagmamahal na kanyang hinihintay ay matagal na palang nagdarasal para sa kanya.
Mula sa mga hindi pinapansing mensahe hanggang sa isang simpleng durian delivery, naging kwento ito ng pag-ibig na isinulat ng Diyos.
Ngayon, ang sundalong nagbibigay ng himig sa marami ay lalakad patungo sa lalaking matiyagang naghintay sa kanya, isang lalaking may pananampalataya, may dangal, at tapat hanggang sa dulo.
Dahil ang tunay na pag-ibig ay hindi kailangang maging maingay; ito ay makikita sa tahimik na presensya at sa pusong marunong maghintay.
The Entourage
Officiating Pastor
Ptr Josue Dinsay
Parent of the Groom
Elvera Caliguid
Parents of the Bride
Perlita Baylon Echalas
Teresita Baylon Casing
Our Godparents
To stand as witnesses to our vows
LtGen Donald M Gumiran PA and Mrs Maria S Gumiran
BGen Ricky P Bunayog PA and Mrs Josephine G Bunayog
Colonel Mark Allan I Gavilan PAF
LTC Leonardo A Javillonar PA
LTC Randolf R Manding PA and SN2 Shaira Mae Rivera PN
1LT Mike Perea PAF
SMS Arnel H Lubrigas (Inf) PA and Mrs Liza T Lubrigas
SMS Kashmer Omar PAF
Mr Algen Dinopol and Mrs Wed Dinopol
Hon. Councilor Dexter L Dinsay and Mrs Mylori Dinsay
Tsg Mohammadkhan Malli PA and Mrs Cheryl Malli
Tsg Joelan Catalan PAF and Mrs Richel Catalan
Sgt Julkimar Lahug PAF
Mr Gregorio Alborme
Mr Alex Lalaguna
Mr Jonathan Renoblas and Mrs Marife Renoblas
Mrs Lany Valencia
SSG Jerome M. Jungco PA and Mrs Ruth P. Jungco
Mrs. May Ann Alvizo
Tsg Elmer D. Cruz Ret and Mrs Lorraine A. Cruz
2LT Joel Angco Ret
Mrs Mary Ann Angco
Best Man
John Mark Caliguid
Maid of Honor
Junnipher Echalas
Seconday Sponsors
Candle
To Light Our Path
Mrs Delcy Belarmino
Mr Niko Belarmino
Cord and Veil
To Bind & Clothe Us as One
Rechegin Caliguid
Mrs Mary Grace Caliguid
Bridesmaids
Uzeah Zane Labinghisa
Angel May Caliguid
Groomsmen
Julious Caliguid
James Macosang
Jemril Martin
Bridesmaids
Uzeah Zane Labinghisa
Angel May Caliguid
Mary Dulaogon
Flower Girls
To Shower Our Aisle with Flowers
Zhavia Labinghisa
Rechegin Grace Lee Caligid
Ring Bearer
Zebboy Burlas
Coin Bearer
Aeros John Madidis
Bible Bearer
Alyehanno Bjorn B. Alborme
Espesyal na pasasalamat sa mga sumusunod:
Official Photographer
Angelo Pitik
Master of Ceremony
Delcy Belarmino of Juander Radio Kidapawan
Decoration and set up
Sir Lloyd Apolinario
Performing Band:
Cooligs Band
Gabay sa Kasuotan
Mangyaring dumating na nakasuot ng inyong pinakamahusay na pormal na kasuotan. Ipinapakiusap na iwasan ang pagsusuot ng puti, dahil ang kulay na ito ay nakalaan para sa ikakasal.
Para sa mga Ginoo:
Barong Tagalog/amerikana/Olive Green na Polo
Para sa mga Ginang: Filipiniana/ Pormal/ Kaswal na Kasuotan sa napiling shade ng Olive Green

Maaari kayong magbihis at magpaganda gamit ang mga kulay na ito, ngunit ang inyong ngiti pa rin ang pinakamaganda ninyong maisusuot!

Gabay sa Regalo
Tunay na kami ay pinagpapala sa lahat ng biyaya na aming natatanggap. Ang inyong panalangin at presensya ay ang tanging hiling namin. Ngunit kung nais pa rin po ninyong magbahagi sa amin, mas makakatulong po sa amin ang regalong pinansyal.
Lokasyon at Mapa
Frequently Asked Questions
Prenup Photos

RSVP
Paalala sa RSVP: Limitado lang ang aming imbitasyon sa pinakamalapit na kaibigan at pamilya. Maliban kung nakasaad, ang bawat imbitasyon ay para sa 1 upuan lamang. Salamat po sa pag-unawa!
Ikinagagalak naming ipagdiwang ang aming kasal kasama ang aming pinakamalalapit na pamilya at mga kaibigan!
Hinihiling po namin ang inyong tugon bago ang Abril 17, 2026. Maraming salamat!

