ANG SEREMONYA NG KASAL NINA

Pakinggan ang aming wedding song
Maligayang Pagdating sa Aming
Wedding Website
Kami ay sabik na ibahagi ang espesyal na araw na ito sa inyo! Dito, makikita ninyo ang lahat ng detalye tungkol sa aming araw ng kasal, kabilang ang mga lokasyon ng venue, iskedyul ng mga kaganapan, at marami pang iba.
Mangyaring tuklasin ang site, mag-RSVP, at alamin ang kaunti pa tungkol sa aming paglalakbay na magkasama. Hindi na kami makapaghintay na ipagdiwang kasama kayo at lumikha ng mga alaala na tatagal habambuhay.
Mangyaring gamitin ang aming opisyal na mga hashtag
#kayCYRILNEILaan
#fiNEILywithCYRIL4ever
Ang Aming Kwento ng Pag-ibig
Nagsimula bilang magkababata, tambay sa tindahan, 9 Wednesdays sa Baclaran, paalam na susunduin tuwing gabi after class, panata ng bisita iglesia at hanggang sa unti-unting naramdamang espesyal na ang bawat isa. Yan ay 20 years ago ng hindi pa uso ang social media at internet. Na kailangan magtipid para may pang-load, hindi lang basta load kundi dapat yung may unli calls and texts. Gabi-gabing usap, bolahan at asaran. At nung October 31, 2004, finally YES! Sila na. kami na!
Hindi naging madali sa umpisa lalo na sa magkaibang mundong kinalakihan ng bawat isa. Pero sabi nga nila, walang imposible sa mga taong nagmamahalan. As promised, parehong nagtapos ng pag-aaral at nagsumikap sa mga piniling trabaho. Hanggang dumating ang isang blessing, December 22, 2012 ipinanganak si Nylee. Nagsimulang magsama sa isang bubong, masaya pero mahirap. Maraming pagsubok ang dumating. Pagsubok na muntik ng maging dahilan ng hiwalayan pero siya ring mas lalong nagpatatag ng pagmamahalan. Covid Time, 2 heartbreaks ang narasanan, March 2021 and January 2022. Dito na nabuo ang desisyon na magpakasal para mas lalo pang pagpalain ng Panginoon ang pagsasama. February 11, 2023, kaharap ng buong pamilya ibinahagi ang balita ng pagnanais na magpakasal.
Sa nakalipas na 2 dekada ng pagmamahalan at sa ngayong planong pag-iisang dibdib, patuloy natin silang samahan at suportahan bilang pamilya at mga kaibigan sa kanilang tatahaking bagong landas bilang mag-asawa.

Ang Damitang Isusuot
MGA PANGUNAHING SAKSI
GINOO:
Barong Tagalog, Puting Panloob, Itim na Pantalon, at Itim na Sapatos
BINIBINI AT GINANG: Modernong Filipiniana

MGA KAIBIGAN AT PAMILYA
GINOO: Barong Tagalog, Mahabang Manggas, Polo Barong, Itim na Pantalon
BINIBINI AT GINANG: Manggas na Palobo, Maikli o Mahabang Bestida na Filipiniana ang estilo at Modernong Filipiniana

Maaari kang magbihis nang magara sa mga kulay na ito, ngunit ang iyong ngiti ang pinakamaganda mong maisusuot!

Kami ay magalang na humihiling na lahat ng mga bisita ay sundin ang damitang itinalaga sa pamamagitan ng pag-iwas sa sobrang kaswal na kasuotan tulad ng polo shirts, tsinelas, denim, at maong.
Mangyaring sundin ang itinakdang dress code at color motif na ibinigay. Ang tamang pagbibihis ay lubos naming pinahahalagahan, dahil ito ay magdaragdag sa kariktan at pagkakaisa ng aming selebrasyon.
Inaasahan naming makita kayo sa inyong pinakagarang kasuotan na angkop sa aming napiling tema!
Patnubay sa Regalo
Dahil ang araw na ito ay tungkol sa pag-ibig, ang inyong presensya ang hindi maaaring mawala sa aming selebrasyon. Kung sa tingin ninyo ay karapat-dapat pa rin magbigay ng regalo, ang isang maliit na sobre para sa aming hinaharap ay talagang magiging isang kahanga-hangang biyaya.
Ang Lugar ng Kasalan

Mga Madalas Itanong
Aming mga Litrato
Ikalulugod namin kung maibabahagi mo ang iyong mga larawan ng aming kasal sa amin! Maaari mong i-upload ito dito.


RSVP
Kami ay sabik na ipagdiwang ang aming kasal kasama ang aming pinakamalalapit na pamilya at mga kaibigan!
Ang inyong sagot ay hinihiling bago
November 20, 2024. Maraming salamat!